Lunes, Marso 12, 2012

Greatness Starts @ Home




Ang pagkakaroon ng isang anak ay maituturing kong "The Greatest Gift of All."Sa umpisa nandyan ang hirap, takot, kaba at mga paulit-ulit na tanong kung handa ka na ba o kaya mo ba?Lahat ng mga magulang ay nagdaan sa mga ganitong katanungan, ngunit ang lahat ng ito ay sa umpisa lamang, sapagkat sa oras pa lamang na masulyapan mo ang iyong anak at mahawakan, lahat ng mga katanungang naglalaro sa iyong isipan noon ay unti-unti ng nawawala at napapalitan na lamang ng mga galak at tuwa, na masasabi mo na lamang sa iyong sarili, magiging isa akong mabuting magulang sa aking anak.

Sa murang edad ay nagkaroon ako ng isang anak, at ngayon ay dalawang taon na sya. Sa una ay nakaramdam ako ng pagkalungkot at disappointment sa aking sarili, pero ang nasabi ko na lang sa aking sarili na ang lahat ay may dahilan, hindi ko ito tatawaging isang pagkakamali dahil ayaw kong maramdaman ng akoing anak na isa lamang syang pagkakamali. Pinagsusumikapan ko sa bawat araw na mapalaki ko ng mabuti ang aking anak, hands-on ako sa kanya at binabantayan ko bawat kilos at galaw nya.
Bilang isang single mom, sobrang hirap ng sitwasyon ko, pero ito ang pinili ko, marami man akong mga gawain sa araw-araw ay hindi ako pumapalya sa mga responsibilidad ko bilang isang ina. Ika nga nila, kapag magulang ka na, wala yang pause o stop, dahil lahat yan ay walang tigil at pahinga.

Noong months old pa lamang ang aking anak ay inumpisahan ko na syang turuan ng pag close-open, appear, pagbless, shake hands at kung anu-ano pa. Inumpisahan ko na rin siya agad turuan sa kanyang mga baby books. Pinamilyar ko sya sa mga larawan, numero, alpabeto at mga hugis. Sa bawat araw ng pagtuturo ko sa kanya ay nakikitaan ko na agad sya ng potensyal at talento, at masasabi kong maipagmamalaki ko talaga ang anak ko. Madali nya ring natutunan ang kanyang mga body parts at minsan kahit ilang araw o linggo na ang nakaraan na hindi ko naituturo ulit sa kanya ay tanda pa rin nya. 



Mahilig rin siyang maglaro ng bola kaya nung 6 months old sya ay binilhan na agad namin sya ng basketball ring para mahasa ang talento nya at galing,
Halos lahat ng cartoon character ay kilala na nya, sina Spongebob, Patrick, Squid Ward, Barney, Pooh, at lahat ng tauhan sa Mickey Mouse. Paggising nya sa umaga ay nanood na sya ng mga paborito nyang cartoons at sinisigurado kong may napupulot syang magandang aral sa mga napapanood nya, tulad na lamang ng mga alphabets at mga songs sa Barney, madalas ay sinasabayan namin ang mga kanta at ang ilan ay natatandaan na nya. Kadalasan ay isa o dalawang beses ko lamang naituturo sa kanya o nasasabi ang pangalan ng isang karakter pero natatandaan na nya agad. Sa totoo lang, kahit kami ay humahanga at sobra akong nagpapasalamat sa Panginoon sa angking katalinuhan at kakayahan na ibinigay nya sa aking anak.Pati sa mga commercials, kahit na hindi sya nakatingin at nadinig lamang nya kahit ang intro nito ay alam na agad nya kung commercial ba ito ng Jollibee, Mcdo, shampoo, sabon o ng yakult. Sa bawat pagnood nya kasi ng telebisyon ay mapagmasid sya at nagtatanong sya kung ano ba yun kaya sa mga susunod na napanood nya ay alam na nya. Tuwing commercial naman ni Gerald Anderson ng Jollibee, lagi nyang sinasabi na si budoy daw yun.
Hilig nya rin ang pagsayaw, kaya't sa bawat lively na kanta ay sumasayaw sya, lalo na kapag teach me how to dougie ang tugtog. Madalas rin namin syang tinuturuang kumanta, kaso medyo baby talk pa sya kaya kadalasan ay pag-humming o yung mga last words lang ang nababanggit nya.


                       (links of his GREATNESS videos) 


teach me how to dougie of my baby : http://youtu.be/g7F93Ln2QOc


Sa stage nya ngayon ay puro imitation na sya, kaya mas nagiging careful kami sa mga bawat sasabihin namin at galaw dahil lahat ay ginagaya nya. Ayaw naming mamulat sya sa mga maling gawain kaya habang maaga pa lamang ay itinuturo na namin sa kanya ang mga dapat at hindi dapat. Pero ang palagi naming inireremind sa kanya ay ang pagsabi ng "OPO" kaya everytime na "OO" ang nasasabi nya ay itinatama namin agad. Tinuruan ko na din agad sya kung paano magdasal, kaya everytime na nakakakita sya ng mga litrato ni Papa Jesus, palagi nyang sinasabi na "PRAY". Minsan din kapag naglilinis kami ng bahay tulad ng pagwawalis, ay nakikigaya rin sya, pero hinahayaan ko lang sya para mas madevelop pa sya.
Ang pagkakaroon ng isang anak ay maituturing ko talaga na isang blessing, lalo na kung araw-araw kong nadirinig ang "WABU, TSUT TSUT, MUA MUA" na ang ibig nyang sabihin ay "I LOVE YOU, TSUP, TSUP, MUA, MUA", nakakataba ng puso, nakakawala ng pagod at inis.


Lahat ng ito ay nag-umpisa sa patuloy kong pagsubaybay at pagtuturo sa kanya ng magagandang gawain at magandang asal. Alam kong hindi ako pinapabayaan ng Panginoon sa pagpapalaki sa kanya, sapagkat sa bawat araw ay humuhingi ako sa kanya ng guidance para magawa ko ang tama para sa aking anak. Lahat ng ito ay umpisa pa lamang at alam kong sa mga susunod pang araw, buwan at taon, alam kong mas lalo ko pang maipagmamalaki ang aking anak at hindi ako susuko dahil para sa kanya, lahat ay makakaya ko. :)